Inilabas na ng Commission on Higher Education ang mas pinahusay na Implementing Rules and Regulations ng Universal Access to Tertiary Education Act .
Layunin ng batas na gawing abot kamay sa mga marginalized o mahihirap na estudyante sa bansa ang edukasyon.
Sa pulong pambalitaan sa CHED, sinabi ni OIC Prospero De Vera, simula academic year 2018 hanggang 2019 at sa mga susunod na taon, libre na ang tuition fee at miscellaneous fees para sa lahat ng college undergraduate students ng State Universities at Colleges at CHED recognized Local Universities and Colleges na makakapasa sa admission at retention policies ng CHED at UNIFAST.
Tinukoy din sa IRR ang labintatlong miscellaneous fees na hindi na babayaran.
Simula noong January ay naglaan na ng 40 billion ang gobyerno para mai reimburse ang mga hindi kinolektang tuition fees at miscellaneous fees ng mga SUCs at LUCs.
Para sa mga mahihirap na estudyante na walang SUCs at LUCs sa kanilang lugar , naglaan ng 60,0000 pesos per student na may may option na mag enroll sa Private University.
Giit pa ni De Vera, ang batas ay nagbibigay din ng Tertiary Education Subsidy o tulong, libreng Technical-Vocational Education and Training para sa mga naka enroll na sa mga Technical Vocational Institutions at Student Loan Program na pinatatakbo ng gobyerno.
Para sa mga SUCs at LUCs na mababa ang ipinatutupad na tuition fee at miscellaneous fee, magkaroon sila ng adjustment pagkalipas ng limang taon.
Source: RMN
Loading...
Comments
Post a Comment