Lupa ang laman ng dingding! Yolanda survivors nagreklamo kaugnay sa substandard na pabahay ng Aquino gov’t
Ilang naninirahan sa Yolanda relocation site sa Tacloban City, maraming reklamo ngayon kaugnay sa pagkakadiskubre nila sa kanilang tinitirahan.
Reklamo ng mga nakatira roon na nangangamba sila dahil nalaman nila na hindi puro semento ang dingding nila. Natuklasan nila nang nabakbak ang pader at ang laman nito ay lupa pala.
Ang isang residente naman ay nakita sa may bubong nila na may sako pang nakapalaman sa kanilang dingding.
Ayon pa sa isang residente, problemado rin sila tuwing umuulan dahil may tumutulo ring tubig.
Bumabaha rin umano sa relocation site nila, bukod pa rito, problemado rin silasa kanilang supply sa tubig at kuryente.
Ang mas ikinababahala nila ay kung sakaling lumindol sa kanilang lugar.
Samantala, ayon sa panayam kay NHA Regional Manager Rizalde Mediavillo, sinabi niya na kasalanan ng developer ng housing ang problemang kinahaharap ngayon.
Itong housing natin, kahit ginagamit na natin, hindi pa ito tinatanggap ng NHA. So, may responsibility ang developer kung ano ang mga sirang nakikita natin ngayon, dapat ayusin nila,” saad ni Mediavillo.
Loading...
Comments
Post a Comment