PROTEKSYON SA OFW: Kalagayan ng mga OFW, asahang gaganda na matapos magkasundo ang Pilipinas at Kuwait




Manila, Philippines – Matapos magkasundo na ang gobyerno ng Pilipinas at Kuwait sa isang Memorandum of Understanding (MOU) aasahan na umano ang mas magandang kondisyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maliban sa bawal na pagkumpiska ng mga employers sa pasaporte, hindi na rin papayagan ang pagbebenta o paglilipat ng OFWs lalo ang mga domestic helpers sa bagong amo.

Nakapaloob din aniya, ang MOU na bago mailipat sa bagong employer ang manggagawang Pilipino, kailangan ang “written consent” na pumapayag siya at dapat aprubado ito ng labor attaché.

Una rito ay kinumpirma ni Secretary Bello na pumayag na ang Kuwaiti government sa nasabing kasunduan at nakatakda itong lalagdaan sa loob ng dalawang linggo sa bansang Kuwait.

Samantala Nagmatigas si Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi basta-bastang ili-lift ang total deployment ban sa Kuwait.

Ito ay kahit pa nakatakdang pirmahan ng bansa ang Memorandum of Understanding o MOU sa pagitan ng Kuwait pagkatapos lamang ng Mahal na Araw.

Sa pagdinig ng Overseas Workers Affairs, sinabi ni Bello na kahit may inilalatag na bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait pero kung hindi naman mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Pinay OFW nainilagay sa freezer ng kanyang mga amo na si Joanna Demafelis, hindi babawiin ang total deployment ban sa nasabing bansa.

Sakali mang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Demafelis, nagmatigas ito na hindi pa rin agad gagawin ang pagbawi sa ban ng pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait.

Source: RMN


Loading...



Comments

Loading...