Tindig Pilipinas, hinamon si Pangulong Duterte na ilabas ang transcript ng umano’y na wiretapped conversation ni Loida Nicolas Lewis
Ito ay kasunod ng pahayag ni Duterte na mayroon umanong wiretapped na pakikipag usap si Loida Nicolas Lewis sa International Criminal Court (ICC).
Bagamat nagsimula na ang preliminary examination ng ICC sa mga kaso ng extrajudicial killings sa war on drugs ng Duterte sinabayan naman ito ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC.
Kasabay nito, hinamon ng Tindig Pilipinas si President Duterte na ilabas ang hawak nilang transcription ng wiretapped conversations ni Loida Nicolas Lewis.
Kutob tuloy ng grupo na posibleng palabas lamang ang pinalulutang na wiretapped conversation.
Kung totoo man ito malinaw na nangumpisal na ang Pangulong Duterte sa isang gawain na kriminal.
Apela ng Tindig Pilipinas, sa ngalan ng diwa ng Semana Santa, dapat na aniyang itigil na ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon dahil nagmumukha siyang tsismoso.
Ang Tindig Pilipinas ay binubuo ng mga multi sectoral groups na kabilang sa Liberal party.
Source: RMN
Loading...
Comments
Post a Comment